>kakaibang commendation letter
A former cameraman named Nene came by this afternoon and we suffocated him with hugs and hugs and more hugs. I missed Nene a lot and it was such a surprise to him today.
Last July,
GamePlan submitted a very delayed commendation later for the company's crewmen. Nene wasn't working here anymore, so we gave him the original copy of the letter today, proof that we loved him and that we were thankful for his daredevil shots.
Because we have the most loveable crew in the country, we wrote them the weirdest commendation letter ever.
WALANG MAKAKATALO SA CREW NG PROBE PRODUCTIONS, INC.!
WALA!!!
Maging sino ka man – basketball player, terorista, poiltiko, or adventure racer – isang crazy shot ka lang!
Sino pa ba ang makaka...
1. ...akyat ng bundok para makakuha ng trekking shots, at aakyat ng niyog kasi walang Don Henrico’s sa tuktok? Hindi lang motivated, resourceful pa!
2. ...isip ng mag-MOS ng walang kamatayang, “Ano ang susunod niyong GamePlan?” sa gitna ng kadiliman, kagutuman at kapaguran? Hindi lang metikoloso, ma-chika pa!
3. ...tulog sa ibabaw ng HABAGAT kapote sa tabi ng waterfalls, at makaisip pang gumawa ng tulugan para sa mga producers? Hindi lang cowboy, maalaga pa!
4. ...sunod sa mga Del Monte racers sa rice terraces, kuweba at ibabaw ng tricycle, na ang tanging pananghalian at kakarampot ng sabaw ng pinikpikan? Hindi lang cameraman, acrobat pa!
5. ...akyat ng Batad-Bataran na nakakapit sa talahib at may hawak pang tripod? Hindi lang maalaga sa equipment, mabilis pa!
6. ...takbo sa tabi ng pumapaspas na bisikleta para makakuha ng MOS, habang nakapuwesto para sa isang napakagandang low angle shot? Hindi lang tao, de-goma pa!
From
the Del Monte 202 The Great Outdoor Quest (Denor at Gil!), to the
Carrera Habagat in Camotes Island (Nene, Bernie at Jopet!),
Siquijor (Denor, Chong, Jonathan, at Nene!), and
Camiguin (Gil, Tito Germs, Bernie, Mandy Moore, at Chong!), to the many many many mountains and caves, panalo talaga kayo!
Proud na proud kami ‘pag sinasabi ng mga racers na dapat sumali na kayo sa mga karera kasi ang lakas-lakas ninyo. Proud na proud kami ‘pag ginagaya ang mga shots niyo ng ibang cameramen (at buti na lang may ilaw silang dala!). Proud na proud kami na sa bawat shoot binibigay niyo ang lahat ng mabibigay niyo.
At malaki ang utang na loob naming lahat na nagmamaneho at sumisiguro sa kaligtasan nating lahat – kahit na kumakanta na kami (Rudy! Nabingi ka ba?), at dumadaan tayo sa baha o sa trapik.
Idol namin kayo sa bawat araw na kasama namin kayo. Pamilya tayo ‘pag nasa labas at nagdudurusa sa mga madudugong shoot. Kung mabibili lang namin lahat ng Fundador, Emperador at iba pang –Dor sa mundo para good time na good time ang mga videoke sessions natin (PANALO KA, Hermie! Tito Sam, you’re our Teddy Bear!), gagawin namin iyon.
MARAMING MARAMING SALAMAT! And that’s the GamePlan! Bow!
Probe crew guys, you'r the best! - Joy
Da best talaga! :) - Gretch
- Mel
- Camille
TOMA! :) - Ramil
- Gie
Rhum Coke Pa! :) - Karen, Froggy and Armando
WINNER! CHAMPION! POGI! ASTIG!!! - Alia